kung nararamdaman mo, maiintindihan at malalaman po din
pinapalaya ko na ang mga alaalaang mga nakalipas nating dalawa
siphayo lamang ang sinapit
engradeng pag-ibig, sa puso ko'y inukit
ngayon ay naglaho parang bula
sinuko sa hanging patungong hilaga
yaman din lamang ako'y lilimutin
anu't ano pa ma'y ako'y lilisanin
ninanais na ako ay mawala
at di na muli pang makita
hahangarin ko na nga lamang
iyong tuwa at ngiting makinang
ngayo'y ako'y magpapakalayo na
dudulutin sayo'y maluwag na paghinga
iniibig kita, yun ang totoo
ni kahit kalayaa'y maibibigay ko
ako nama'y hindi na aasa
kung pag-ibig ay masusuklian pa
isip ko'y ilalayo na rin sa iyo
tutal ay di naman ako ang sa isip mo
ang kahibangan ko'y ititigil na
itong martir na puso'y pagal na't sawa
ililibot na lang ang sarili sa mundo
buong araw, buong buhay magpapakasaya ako
iiwanan na ang dulot mong pantasya
gulong dulot sa buhay ko'y mawawala
iwawaksi na ang lahat-lahat
ngayo'y nagpapaalam at nagpapasalamat
//_+
...redram




No comments:
Post a Comment